Main | Then A Hero Comes Along »

Para Sa Akin Ang Pag-ibig Ay IKAW...

Mahiwaga ang pag-ibig. Isang matinding bugso ng damdamin na kahit sino man ay di kayang ipaliwanang. Nakapagtataka naman kung ibabasi sa sayantipikong pagpapahayag. Bagamat may pag-aalinlangan, pero kapag puso na ang nangungusap ito'y tumitibok na lang ng kusa.

Sa bawat araw na ako'y nabubuhay. Ang nararamdaman ko ay wagas. Di maihahambing sa ano mang pagpapala. Di pwedeng tibagin ng ano mang kalamidad sa mundo, unos man o bagyo. Sa aking paggising hanggat sa pagtulog pati sa panaginip Ikaw at Ikaw lang ang lahat sa Akin.

Ito'y mga katagang luma na sa paggamit at palagihang sinasabi ninoman. Ako'y nandito lamang sa tabi mo o di kaya'y hinding hindi magbabago ang pag-ibig ko. Para sa akin hindi yan ang maipapangako ko. Dahil para sa Akin sapat na ang bawat araw na ako'y binubuhay ng pag-ibig mo. Dahil IKAW ANG BUHAY KO. At ang pangako ay hindi sapat sa isang katulad mo kundi ang ganap na katuparan ng tunay, wagas at tapat na damdamin ko para sa iyo at ikaw lamang. Ubusin ko mang sungkitin ang mga bituin sa langit o akyatin ko man ang pinakamatarik na bundok o di kaya'y sisirin ang kalaliman ng isang dagat. Wala itong halaga kung di ko rin lang nasasapuso ang pag-mamahal ko sa iyo. Ayaw kung mangako. Tama na sa akin ang bawat pintig nitong puso. Pagkat bawat pintig ay buhay ko at habang buhay ko IKAW na rin ay AKO.

Sa ano mang pagpapahayag, sa dami ng pangangahulogan sa salitang pag-ibig. Mapa diksyonaryo, aklat man o libro. Ibilang mo na ang telebisyon at radyo. Ang pag-ibig ay may iisang anyo. Para sa akin isa lang ang tunay na kahulogan nito at yun ang syang nabatid ko mula sa unang segundo nang pagkakakilala ko sa iyo. Para sa akin ang kahulogan nang pag-ibig ay IKAW.

Alalahanin mo lang at wag mong kalimutan ang araw na nakilala kita. Duon ko binuhos lahat ng pag-ibig na nasa puso ko. Higit ninoman IKAW ay tunay kung minamahal.

Pangako di ito magbabago.

Tulad ng sinasabi kong malagihan. Higit sa lahat sa DIYOS lang ako may malaking takot. Kasabay ng takot ko na iyon ay ang panibugho ng damdamin ko sa hawak kung tunay na pagmamahal.

Kilala mo kung sino ka....

PARA SA AKIN... IKAW ANG PAG-IBIG KO.

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .